42

Jun 11, 2020 @ 17:54
By

Roque tinabla si Hontiveros sa POGO

Tinabla ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Senadora Risa Hontiveros sa sinabi nitong dapat singilin ng gobyerno ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na hindi umano nagbabayad ng tax kesa mga online seller na maliit lang ang kinikita.

Ani Roque, sinisingil ng gobyerno ang mga POGO at hindi makakalusot dahil hindi maaaring magbukas hangga’t hindi nagbabayad ng buwis.

“Sinisingil po natin Senator Hontiveros. Hindi po natin sila pinalulusot. Hindi po sila pupuwedeng magbukas hangga’t hindi sila nagbabayad ng kanilang mga buwis,” wika ni Roque.

Magugunitang inatasan ng Bureau of Internal Revenue ang mga online seller na magparehistro, ideklara ang mga dati nilang transaksyon at magbayad ng buwis bago ang Hulyo 31.

Binatikos ito ng senadora at sinabing imbes na mga online seller na kaunti lang ang kita ay dapat singilin muna ang mga POGO na may P50 bilyong hindi nabayarang buwis.

Nilinaw ng Palasyo na exempted sa pagbabayad ng buwis ang mga online seller na may kitang P250,000 pababa kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?