35

By

Roque tikom ang bibig sa medical result ni Digong

Sharing is caring!

Tumangging magbigay ng impormasyon si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa resulta ng medical examination ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ito ng pahayag nina Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Interior and Local Government secretary Eduardo Año na negatibo ang resulta ng medical exam ng Presidente mula sa hinalang posibleng may cancer ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang ihahayag dahil nasa batas naman na kung walang seryosong sakit ay hindi kailangang ianunsiyo ito.

“I have no information.I know it’s ridiculous but that’s the truth. And there was no consensus to what extent information on the President’s health will be divulged,” ani Roque.

Sinabi naman ni Special assistant to the President Bong Go na malusog ang Pangulo at cancer-free.

“He’s healthy, he’s ok. He’s cancer-free,” ang maiksing pahayag ni Go sa isang chance interview sa Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?