21

Sep 15, 2020 @ 16:56
By

Roque: The best sa Asya COVID testing ng ‘Pinas

Tingin ng Malacañang, ang COVID-19 testing policy ng Pilipinas na ang pinakamahusay sa buong Asya, o posible pa na sa buong mundo.

Ayon ‘yan kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung siya ang magre-rate ay 85-percent umano ang grado ng Pilipinas pagdating sa naging responde sa pandemya.

“We clearly have the best testing policy in the whole of Asia and probably in the whole world because we have exceeded three million (tests) and as a percentage of total population, lubos-lubusan na ‘yan sa sinasabi nilang 3 percent na dapat ma-test na population,” lahad ni Roque.

“At patuloy pa po tayo, dadami pa po tayo and I think we will have the highest number of testing, one of the highest in the whole world. That’s clearly our biggest strength,” aniya pa.

Sa ngayon ay umabot na sa 269,407 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 207,352 ang gumaling habang 4,663 naman ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?