1,038

Dec 3, 2021 @ 14:28
By

Roque sumama ang loob sa isang kandidato sa pagkapangulo

Inamin ni senatorial candidate Harry Roque na mayroon siyang sama ng loob sa isang presidential aspirant dahil hindi siya inimbita sa senatorial slate nito.

Pahayag ni Roque sa One PH, hindi umano siya isinali sa senatorial slate dahil siya ang presidential spokesperson kaya mahirap i-adopt.

“In fact, mayroon nga akong sama ng loob dyan sa ilang mga presidentiable, akalain ko ia-adopt nila ako pero ang sabi nila, ‘presidential spokesperson ka kasi kaya mahirap kang i-adopt’,” ani Roque.

Aniya, tanging ang partido lang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-imbita sa kaniya.

“Wala namang ibang partido na nag-offer na i-adopt ako. Tanging sila lang ang nag-offer na mag-adopt,” sinabi ni Roque.

Dagdag pa niya, masama talaga ang loob niya dahil itinuring niya itong kaibigan.

“Actually masama ang loob ko talaga doon sa isa kasi noong panahon na siya ay mahirap ang kalagayan, ako lang ang nagsalita para depensyahan siya. Ganyan ako talaga maging loyal sa ating mga kaibigan. Maski nag-iisa akong nagsasalita at lahat ng tao ay iniiwasan siya, ginawa ko yun,” saad nito.

Itinanggi namang pangalanan ni Roque ang nasabing kandidato. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?