47

Oct 4, 2021 @ 17:04
By

Roque sinupalpal mga kritiko: Mag-judge rin kayo!

Sinupalpal ni Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang mga kritiko matapos batikusin ang tanong nito sa Miss World beauty pageant kung saan isa ito sa mga naging hurado.

Tinawag ni Roque ang mga bumatikos sa kanyang tanong na “OA” o overacting.

Kung hindi aniya nagustuhan ng kanyang mga kritiko ang kanyang tanong ay subukang maging judge din sa isang beauty contest para sila naman ang makapagtanong sa mga beauty contestant.

“OA po ‘yun na misogynistic ‘yun. That’s a valid question. If you disagree, you’re entitled to your opinion, mag-judge din kayo,” ani Roque.

Sa ginanap na Miss World beauty pageant nitong Lunes ng umaga, isa si Roque sa mga naging judge at ang tanong nito ay kung makatuwiran bang tumakbo sa pagka-presidente ang isang inang may mga anak at kailangang isakripisyo ang kanyang pamilya.

Umani agad ng batikos sa mga netizen ang tanong ng kalihim na anila ay out of place o hindi angkop sa isang patimpalak at misogynistic, o may galit sa mga babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?