94

Sep 28, 2020 @ 12:48
By

Roque sinisi Catholic diocese sa malaswang learning module

Inapurba ng Katolikong diyosesis ang learning module na may “dirty names” at binatikos sa social media, ayon sa Palasyo.

“‘Di po ginagamit ng DepEd ‘yan. ‘Yan ay ginawa ng mga Katolikong eskuwelahan na aprubado pa ng diocese so pakitanong po ang arsobispo bakit nila inapprove ‘yan. ‘Di po ‘yan for use ng DepEd,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa ABS-CBN’s Teleradyo.

“Siguro po ang dapat sumagot ay ‘yung liderato ng Simbahang Katolika, bakit sila nagbibigay ng ganyang module na may bastos,” saad niya pa ngayong araw.

Una nang sinabi ng Department of Education na ang kumakalat na viral na larawan ng pahina ng modyuls na naglalaman ng hindi kaaya-ayang paggamit ng ilang salita ay hindi nagmula at hindi nilimbag ng DepEd.

Samantala, humingi ng tawad ang Association of Catholic Schools sa Diocese of Iba, Zambales sa nasabing learning material na para sa isang philosophy subject na ituturo sa mga senior high school student via distance learning.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?