88
Roque
Jan 11, 2018 @ 13:59

Roque, saludo sa Ombudsman sa hirit na ikulong uli si Reyes

Pinuri ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Office of the Ombudsman na humirit sa Sandiganbayan na ipaaresto uli si dating Palawan Governor Joel Reyes at kanselahin ang piyansa nito para sa graft dahil sa renewal ng mining permits.

“That is how it should be! I commend the office of the Ombudsman for the order,” ani Roque.

Humirit ang anti-graft prosecutors sa Sandiganbayan sa pagpapaarestong muli kay Reyes para mapigilan ito na makatakas patungong ibang bansa.

Nahuli noon si Reyes sa Thailand dahil sa kinakaharap na kasong murder sa pagpatay sa journalist at environmentalist na si Gerry Ortega.

Sinabi ng Malacañang na gagawin nila ang lahat ng ligal na aksiyon para baligtarin ang desisyon ng Court of Appeals na palayain si Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?