278

Sep 10, 2021 @ 19:10
By

Roque sa panawagan ni Isko na sibakan: Hindi ako ‘yun!

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya ang tinutukoy ni Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa walang malasakit at walang modo na opisyal ng gobyerno na nararapat sibakin.

“I don’t think it was me,” ani Roque sa virtual press briefing nitong Biyernes.

Nito lamang ay nanawagan si Moreno kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangako na tatanggalin ang mga walang malasakit na tauhan ng gobyerno.

“Mr. President, nakikisuyo naman kami, nangako ka naman sa amin eh, tanggalin mo na ‘yong mga taong walang malasakit at walang modo, at kung sumagot pabalang-balang, na para bang ang buhay namin walang kuwenta,” pahayag ni Moreno noong Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?