1,623

By

Roque sa pagiging kulelat sa survey: ‘Di na ako nagulat, ‘di ako anak-mayaman

Sharing is caring!

Hindi ikinagulat ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resulta ng senatorial survey kung saan nanguna ang mga anak ng politiko.

Sinabi ng kalihim na walang nabago sa takbo ng politika sa bansa dahil ang may bentahe ay mga mayamang anak ng politiko para sa re-eleksiyon.

Para aniya sa katulad niyang hindi anak-mayaman, aasahan na kulelat sa mga survey.

“Doesn’t surprise me. I’m just an ordinary human being. I don’t belong to any political family . I’m not rich, I’m not surprised. Like everyone else, democracy in the Philippines can be very expensive and depends on who your parents are,” ani Roque.

Pero sa kabila ng pagiging kulelat, hindi nawawalan ng pag-asa si Roque at ginawang halimbawa si Pangulong Rodrigo Duterte na palaging kulelat noon sa survey pero pagdating ng eleksiyon ay siya ang nanalo.

“May pag-asa pa naman doon sa mga nasa hulihan ng listahan . Dahil nasa laylayan naman si Presidente Digong noong nagsimula siya, only to win with an overwhelming margin,”dagdag pa ni Roque.

Kabilang sa mga nanguna sa senatorial survey ay sina senador Grace Poe, senador Sonny Angara,Mayor Sara Duterte Carpio, dating senadora Pia Cayetano, senadora Nancy Binay at iba pang may name recall na mga pulitiko.

Si Roque kasama ang dalawa pang miyembro ng gabinete ay wala sa top 10 ng survey at nasa 29th -36th spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }