125
harry-roque
Oct 30, 2017 @ 15:21

Roque sa mga kritiko: Mamatay kayo sa inggit!

Hindi pa  man opisyal  na  nakapagsisimula sa  kanyang  bagong  tungkulin bilang  bagong  Presidential Spokesman ay palaban na  si Harry Roque sa  kanyang  mga  kritiko.

Kasunod na rin ito ng  batikos  ng  kanyang  mga dating  kasamahan sa  kongreso matapos  tanggapin ang  posisyon  sa  Malacañang.

Sinabi  ni Roque  na bigyan siya  ng  pagkakataong  maglingkod  at  ipakita  kung  ano ang  magagawa  para sa bansa.

Nagkaroon naman aniya  ng  pagkakataon ang  mga dating  nasa  kapangyarihan pero walang   nakitang  ano mang  dahilan para  purihin ang  mga  ito.

“Yung  mga  nanggaling  na sa  kapangyarihan eh nagkaroon naman kayo ng  pagkakaroon. Ang  ginawa nyo naman palpak kayo hindi kayo gumawa  ng  mabuti sa  bayan…Puro  teka-teka ,tsaka tsaka  na. So meron naman ibang  naglilingkod hayaan natin  bigyan natin sila  ng  pagkakataon dahil kami naman  pinagbigyan namin kayo ng  pagkakataon,” pahayag ni Roque.

Hindi naman namin kayo binato, hindi namin kayo siniraan, kami ay nanood hanggang sa kadulo-duluhan pero wala kaming  nakitang  anything  na puwedeng  maging dahilan para  purihin kayo,” dagdag pa nito .

Para  naman sa  mga  personal na  kritiko na  maagang  bumabatikos  kay Roque, matapang  na  inihayag  ng  opisyal  na  hahayaan niyang  mamatay sa  inggit  ang  mga  ito.

“So sa  akin, yung  mga  bumabato sa  akin maaga  pa  lang, mamatay kayo sa  inggit! kayo tapos na ang  mga  panahon nyo.. laos  na  kayo kaya  puwede  ba  move  on na  kayo!” ang  mataray  ma  sagot  ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?