1,468

By

Roque out, Panelo in para maging Press Secretary

Sharing is caring!

Isinasantabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na maging Press Secretary si Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa halip ay ibibigay nito ang puwesto kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Sinabi ng Pangulo na urong-sulong si Roque kung tatakbo o hindi sa senado kaya kay Panelo na lamang ibibigay ang puwesto.

Naghahanap na ang Presidente ng bagong puwedeng maging Chief Legal Counsel.

Si PCOO secretary Martin Andanar naman ay gagawing consultant para pagandahin at palakasin ang PTV-4 at mga government communications station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?