43

Mar 1, 2021 @ 21:37
By

Roque naubusan ng Sinovac vaccine

Hindi nakasalang sa first round ng Sinovac vaccination sa Philippine General Hospital (PGH) si Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes.

Ayon kay PGH Director Gerardo Legaspi, 100 shots lamang kasi ang inihanda ng ospital para sa ceremonial vaccination ng mga health worker.

Sa mga larawan sa social media, makikita si Roque na dumaan sa pre-screening pero kalaunan ay hindi nabakunahan.

“Ako willing ako mapabakunahan kaya lang sabi ni Gap Legaspi ay ubos na ‘yung 100 doses nila for the day so we will have to come back on another day,” sabi ni Roque sa isang press conference nitong araw.

Unang tumanggap ng bakuna ng Sinovac si Legaspi, sumunod sina Food and Drug Administration Director General Eric Domingo at infectious disease expert Dr. Edsel Salvana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?