230

Nov 5, 2017 @ 17:32

Roque nanibago sa Palasyo: Wala kasing buffet, kape lang

Kung may isang bagay na nami-miss ni acting Presidential Spokesman Harry Roque ay ang pagkain sa buffet sa South Lounge ng Kamara sa Batasang Pambansa.

Pabirong sinabi ng kalihim na nalulungkot siya dahil walang buffet sa Malacanang at sa halip ay kape lang ang iaalok sa kanya .

Sanay aniya ito na kapag dumadalo sa isang pulong ay may masarap na pagkain pero sa Palasyo ay wala.

Aminado ang kalihim na mahilig siya sa masasarap na pagkain at pagdating sa Malacanang ay diyeta ito.

“Alam mo… ‘yan ang pinakamalungkot. Sabi ko, “Bakit walang buffet dito sa Malacañang…Walang buffet… kada meeting may pagkain pa. Aba’y sa Malacañang bibigyan ka lang ng kape. Sabi ko, “Ito na ba ito? Wala ba itong pagkain?” Sanay na sanay ako, lahat ng meeting may pagkain at mayroon pang buffet sa South Lounge. Hay naku,” ang pabirong pahayag ni Roque.

Matatandaang sa pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ay ginawa nitogn simple lang ang mga handa kapag mayroong mga okasyon.

Kadalasan ay mga pagkaing Pilipino ang ipinaluluto hindi tulad sa mga nagdaang administrasyon na magarbo at sosyal ang mga nasa hapag-kainan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?