30

Sep 10, 2021 @ 11:27
By

Roque nangatwiran: IATF meeting sikreto

Hindi dapat isinasapubliko ang mga pagpupulong ng Inter-Agency Task Force.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos mag-viral ang video nito na pinapagalitan ang mga doktor na kumontra sa pagluluwag sana ng community quarantine sa Metro Manila.

Sa isang maiksing text message, sinabi ni Roque na hindi dapat nailalabas ang mga detalye sa pagpupulong ng IATF hanggat walang naaprubahang resolusyon.

“IATF meets are secret” ang maiksing mensahe ni Roque sa text.

Matapos kumalat ang video sa social media na kinakastigo ni Roque ang ilang doktor ay hindi agad nakuhanan ng reaksyon ang kalihim.

Sa viral video ay mataas ang boses ni Roque habang idinedepensa ang mga hakbang ng pamahalaan sa patuloy na paglaban sa COVID-19.

Sinabi ni Roque sa video na wala ng magandang sinabi sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa pandemya at walang may gusto na patayin ng COVID-19 ang mga tao, at lalong hindi gusto ng gobyerno na mamatay sa krisis ang publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,