106

Oct 7, 2021 @ 15:15
By

Roque naka-asa kay Mayor Sara

Handa na umanong tumakbong senador sa 2022 si Presidential Spokesman Harry Roque ngunit mangyayari lamang ito pag tumakbong pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang press briefing ngayong Huwebes ay inamin ni Roque na nakahanda na siyang magsumite ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador, ngunit hinihintay niya ang desisyon ni Mayor Sara.

“Handa po ang aking COC. Bukas po ang last day, magvi-vigil po kami dito sa Malacañang kung sakaling maghahain ng COC si Mayor Sara for President,” wika ni Roque.

Si Mayor Sara ay naghain ng kanyang COC noon pang Sabado para tumakbo muling alkalde ng Davao City.

Ani Roque, patuloy siyang umaasa na tatakbong pangulo ang presidential daughter. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?