38

By

Roque nagsimula na ng campaign ad para sa 2019 elections

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque ang ginagawang paghahanda para sa campaign advertisement ng kanyang pagtakbo sa Senado sa 2019 midterm elections.

Sa kabila ito ng pahayag na nag-uusap pa rin sila ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuloy o hindi sa plano kapalit ang posisyon ng pagiging Press Secretary.

Ayon kay Roque, ilang buwan ng bayad ang campaign ad nito kaya kailangan ng gawin.

Nilinaw ng kalihim na sarili nitong pera ang ipinambayad sa campaign ad at walang ibang nagbayad nito.

Batid naman aniya ng Palasyo at publiko ang kanyang plano kayat ano man ang mga nangyari sa nakalipas na mga araw ay hindi kasali sa mga naunang balak nito.

“I shot it because it’s been paid for. Whatever has happened in the last few days were really major deviation from plans that even the President knew about,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na maging siya ay nabigla sa mga naging pananalita ng Pangulo noong Huwebes dahil sa tuwing ipinapakilala ito sa kanyang mga aktibidad ay ‘senador’ pero sinabi sa mga bisita na hindi siya mananalo dahil ayaw sa kanya ng mga sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?