50

Apr 16, 2020 @ 12:38
By

Roque may ‘good news’ sa COVID-19

Magandang balita ang ipinaabot ni Presidential spokesperson Harry Roque ukol sa pinagdaraanan ngayong krisis sa COVID-19.

Ito ay dahil nababawasan na ang bilang ng mga tinamaan ng pandemic COVID-19 dahil sa pagdami ng mga gumagaling sa bansa.

“Mabuting balita naman po ay habang dumadami naman ang kaso ng mga COVID ay dumadami rin yung mga numero na nakakarekober o gumagaling sa sakit ng COVID,” wika ni Roque.

Sa huling datos ng Department of Health nitong Abril 15, mas tumaas ang bilang ng gumagaling kesa sa namamatay.

Sa kabila nito ay asahan pa rin aniya ang patuloy pa na pagdami ng COVID-19 cases sa bansa dahil mas lumawak na ang isinasagawang pagte-test.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?