80

Sep 10, 2021 @ 17:14
By

Roque matapos pagalitan mga doktor: ‘Tao lamang’

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang panig kaugnay ng kumalat na video kung saan nagngingitngit siya sa galit sa mga doktor sa gitna ng IATF Zoom meeting.

“Kinukumpirma ko po na tayo po’y naging emosyonal at pasensya naman po kayo, tao lamang,” wika ni Roque.

“Kung meron po akong na-offend sa aking pananalita, well, humihingi po ako ng abiso. Pero kinakailangan lang pong pakinggan natin ang boses ng mga hindi naririnig sa IATF, ang hanay ng naghihirap at nagugutom,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Sa kumalat na video, pagalit na sinabihan ni Roque ang Philippine College of Physicians matapos humiling ang grupo sa IATF na huwag munang luwagan ang quarantine classification sa NCR.

Ani Roque, hindi lamang health workers ang may pakialam sa buhay ng tao kundi pati na rin ang pamahalaan.

Inakusahan din niya ang grupo na wala na umanong magandang sinabi sa COVID response ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?