141

Dec 1, 2020 @ 15:37
By

Roque masama loob sa Inquirer, ABS-CBN

Naglabas ng sama ng loob si Presidential Spokesman Harry Roque dahil sa hindi pagiging patas umano ng ilang mainstream media.

May kinalaman ito sa pagdalo nito sa isang aktibidad sa Bantayan Island, Cebu noong Biyernes kung saan pinutakti siya ng mga komento sa social media dahil sa hindi umano pagsunod sa social distancing.

Ayon kay Roque, bago siya nagsalita ay pinaalalahanan at pinagalitan ang mga taong naroon sa event dahil sa hindi pagsunod sa social distancing.

Hindi aniya patas ang Inquirer at ABS-CBN dahil kapag kampo ng oposisyon ay hindi pinapansin kahit may mga paglabag sa health protocol.

“Ang ikinasasama ng loob ko po, ako po ang pinuruhan ng Inquirer at ABS-CBN. Bakit nung nakikita nyo sa screen si VP Leni, nakipag-hand shake hand shake pa, o hindi ba violation ito ng restriction on social distancing? maging patas sana ang mainstream media,” ani Roque.

Mas maganda aniyang magkaroon ng imbestigasyon para makita sa video na pinaalalahanan pa nito ang mga tao na sundin ang social distancing.

“Lets be fair. Siguro sa ngayon hindi na ako lalabas kapag may mga crowd noh, as much as possible. Hanggang ngayon hindi ko matanggap yun kaya nga tuwang tuwa yung mga bloggers ng dilawan ” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?