26

By

Roque mas type maging spokesman kesa senador

Sharing is caring!

Mas prayoridad ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagiging tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kaysa maging senador.

Ito ang inihayag kahapon ni Roque bilang tugon sa pag-endorso aa kanya ni House Speaker Pantaleon Alvarez para kumandidato sa pagka-senador.

Ayon kay Roque, nagpapasalamat siya sa tiwala sa kanya ni Speaker Alvarez pero sa ngayon aniya ay naka-focus ito sa kanyang bagong trabaho bilang tagapagsalita ng Presidente.

Wala rin aniya siyang kakayahan para tumakbo sa pagka-senador pero mas prayoridad nito ang maging pinakamagaling na tagapagsalita sa abot ng kanyang makakaya.

” I am very thankful for the confidence Shown by speaker bebot alvarez. i cherish the encouragement and humbled by the endorsement. I am however focused on my new job as the president’s spokesperson and my priority right now is to do my absolute test in communicating the message of the president to our people. I have also, without means, to pursue a senate bid. so while I am thankful, i reiterate that my priorityid to be the best spokesman that i can be for the president,” ang pahayag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?