893

Roque magsasarili, ‘di sasama sa Indonesia trip ni Duterte

Sharing is caring!

Hindi kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bali, Indonesia si Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa dadaluhang Association of South East Asian (ASEAN) Leader’s summit.

Sinabi ni Roque na may sarili siyang lakad sa Beijing, China na may kinalaman sa organisasyong kinaaniban nito kung saan siya ang pinuno.

Ayon kay Roque, mayroon siyang dadaluhang conference kung saan sponsor ang kanilang organisasyon kaya hindi ito makakasama sa lakad ng Pangulo.

Isang araw lang naman ang Pangulo sa Indonesia kaya itinuloy na nito ang kanyang bakasyon.

“I’m not joining Bali po. I’m going because the conference is sponsored by an association of which I’m the President,” ani Roque.

Simula October 11- 15 ay nakabakasyon si Roque at inaasahang bibiyahe ito sa China sa Huwebes.(aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?