243

Oct 31, 2017 @ 14:10

Roque, mababaw kumpara kay Abella — Lagman

Ayaw tantanan ng batikos ng ilang kongresista si incoming presidential spokesman Harry Roque.

Ito’y kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ni Roque na babatuhin niya ng hollow blocks at adobe ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, napaka-iresponsable ng naturang pahayag ni Roque.

Pagkukumpara pa ni Lagman, napakababaw ni Roque kumpara sa pagiging moderate at composed ng sinundan nitong si outgoing presidential spokesman Ernesto Abella.

“Harry Roque’s threat to throw hollow blocks and adobe at the critics of President Rodrigo Duterte is an irresponsible response to well-founded criticisms and a hollow bluff so unlike the moderation and composure of Pastor Ernesto Abella, his predecessor,” pahayag ng kongresista.

Binigyang-diin ni Lagman na dapat maintindihan ni Roque na ang kritisismo at pagsalungat ng ilan sa administrasyon ay parte ng demokrasya.

Sabi pa ng kongresista, dapat iwasan ni Roque na maging “vicious silencer” ng mga taga-oposisyon.

Binuweltahan din ng solon si Roque sa banat nitong naiinggit lang umano ang mga kritikong bumabatikos sa kanyang appointment.

Sagot nito, walang naiinggit sa aniya’y ‘tragic transformation’ ng dating kongresista mula sa pagiging human rights advocate tungo sa pagiging tagapagtanggol ng mga paglabag sa karapatang pantao.

“Not in their wildest dreams did his critics wish to be Duterte’s mouthpiece,” ayon pa kay Lagman. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?