63

Mar 4, 2021 @ 16:10

Roque: Laging mali si VP Leni!

“Nagkataon lang po talaga na kung ang presidente ay laging handa, ang vice president, laging mali. Ganoon lang po ‘yon,” – ito ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa pagresbak ni Vice President Leni Robredo sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Ani Roque, hindi pa panahon para mangampanya si Robredo.

“Pakiusap po, may panahon sa eleksyon, huhusgahan po ng taong bayan ang mga tatakbo,” saad niya sa ulat ng 24 Oras.

Kaugnay ito sa binitawang salita ni Robredo sa panyaman ng The Mangahas Interviews kung saan sinabi niya na tila hindi presidente si Duterte kung magsalita.

“Ang unang dating sa akin parang hindi pangulo ang nagsasalita. Pangalawa sobrang pikon,” wika ni Robredo.

Ito ay matapos mapundi ng Pangulo kay VP dahil sa pagiging feeling ‘relevant’ daw nito lalo pa’t hiniling ni Robredo ang mas mabusising pag-aaral sa Sinovac vaccine na siyang itinuturok sa mga frontliner.

Dahil dito, hinamon ng Pangulo si Robredo na mapabakuna na kontra COVID-19 dahil pasok naman siya sa itinakdang age bracket na 18 hanggang 59-anyos.

“Siya ang apurado, siya ang mauna. She’s young, I am not. I have to defer to my doctor… Bakit dadramahin pa ‘yang sino mauna? Ako, magpabakuna. Ang problema, ang doktor ko may hinihintay.”

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/duterte-napuno-kay-leni-mukha-ka-lang-anghel-pero-demonyo-utak-mo/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?