23
harry-roque
By

Roque kumambiyo, hindi nilalahat ang simbahan sa posibleng sabwatan sa komunista

Sharing is caring!

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nito nilalahat ang mga miyembro at opisyal ng Simbahan na posibleng kasapakat ng kilusang komunista para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, ang sinabi nito kahapon ay “ilan” sa hanay ng Simbahan at hindi nito nilalahat ang buong Simbahang Katolika.

Na-misquote aniya siya ng ilang lumabas na report at maging sa social media dahil hindi naman nito nilalahat ang mga alagad ng simbahan.

“Well, I think it is important to quote what I said. I said ‘some’. I did not say ‘all.’ And of course what has appeared in some news reports, including social media is it’s as if I said the Church is conniving; which is a world of a difference between ‘some’ members of the Church or elements of the Church who did not support the President and who supported someone else, it is not impossible for the ‘some’ to in fact ‘no work with the CPP-NPA in their desire to overthrow the Duterte administration. So it is not as if I was indicting the entire institution of the Church, some elements within,” ani Roque.

Isinaalang-alang ng kalihim ang mga gagawing dayalogo sa iba’t ibang religious organizations dahil nagsisimula pa lamang ang dayalogo ng Malacañang sa Simbahan.

Kasama si Roque sa panel na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa Simbahan matapos ang pagkuwestiyon nito sa Bibliya at pagtawag ng “stupid” sa Diyos. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?