21

Sep 16, 2020 @ 18:39
By

Roque kinontra SWS survey: ‘The worst’ ng COVID-19 tapos na

Naniniwala ang Palasyo na tapos na ang “worst” ng coronavirus crisis sa bansa dahil napabuti na ang healthcare capacity nito.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan maraming Pilipino ang naniniwala na mas lalala pa ang COVID-19 crisis sa Pilipinas.

“Naintindihan po natin ‘yung pessimism ng ating kababayan dahil napakahirap po talaga nitong pandemya na dinulot nito. Pero ang masasabi ko lang po the worst is over,” ani Roque sa panayam sa PTV-4.

Aniya, narating na ng bansa ang mababang antas nang makaranas ng recession sa unang pagkakataon sa nakalipas na halos 30 taon dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng 16.5% sa ikalawang quarter bunsod ng mga lockdown.

Kaya ngayong nagsisimula nang magbukas ang ekonomiya, kailangan aniyang matuto ang mga Pilipino na mabuhay kasama ang virus.

“Ang ating panawagan sa lahat, puwede po tayong mabuhay na nandiyan pa ang COVID dahil hanggang wala naman bakuna, walang gamot talagang matatagalan ang ating pandemya,” dagdag ni Roque.

“Puwede naman pong mabuhay basta pag-ingatan po ang ating mga kalusugan para tayo ay makapaghanapbuhay.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?