12

Oct 26, 2020 @ 17:26
By

Roque kay Recto: ‘Pinas may vaccine czar na

Mayroon nang itinalagang vaccine czar si Pangulong Rodrigo Duterte noon pang Agosto.

Tugon ito ng Palasyo sa mungkahi ni Senador Ralph Recto na dapat mayroong vaccine czar ang bansa para mangasiwa sa bakuna ng may 110 milyong Pilipino sa sandaling mayroon nang matuklasan at maaprubahang bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroon nang hinirang ang Pangulo na vaccine czar subalit hindi naman ito nagbigay ng dagdag na detalye.

“Two months ago, I recall na si Presidente ay may itinalagang vaccine czar. Kaya lang po, iyong natalagang vaccine czar is hesitant when I asked him if I could remind the public that he has been designated as vaccine czar kasi baka hindi na raw po naalala ni Presidente,” ani Roque.

Hihintayin na lamang aniya ng hinirang na vaccine czar na ulitin ni Pangulong Duterte ang kanyang anunsiyo sa publiko dahil hindi masyadong napagtuunan ito noong kainitan ng COVID pandemic .

“He would like to wait for the President to make the announcement anew,” dagdag ni Roque.

Batay sa ulat, nasa phase 3 na ng clinical trial ang tatlo sa apat na tinutuklas na bakuna ng China kung saan isa ang Pilipinas sa prayoridad na unang makagamit nito sa sandaling maaprubahan na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?