19

Feb 2, 2021 @ 16:08
By

Roque kay Locsin: Hindi ako nanghihimasok sa DFA

Nagpaliwanag si Presidential Spokesman Harry Roque sa naging pahayag nito kaugnay sa bagong batas ng China patungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng matalas na tweet ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., na huwag makialam sa mga panloob na usapin ng DFA ang kalihim dahil hindi umano sapat ang kaalaman nito sa mga isyu sa ahensya kasabay ang bawi na mahal niya ito.

Sinabi ni Roque na hindi siya nanghihimasok sa usaping panloob ng DFA at malinaw naman aniya ang sagot niya sa tanong sa kanyang press briefing.

“I love him back. Ang sa akin naman po ay the President is the chief architect of foreign policy pero hindi ho tayo nanghihimasok. It is clear from our answer na theoretically, the only way or the only forum is the tribunal for the law of the sea. But the decision whether not to go there lies with the DFA as well as the Ministry of the Foreign Affairs of the other country,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na si Pangulong Rodrigo Duterte ang arkitekto ng foreign policy at hindi naman aniya tamang manahimik na lamang lalo na kung seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino ang nalalagay sa alanganin.

“I think I was very clear that I was not intruding. Pero pasensiya na po ‘no, as chief architect of foreign policy, napakahirap naman po kung tayo ay tikom sa mga bagay-bagay na ito. And of course we always defer to the line agency as far as actual policies to be implemented are concerned,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?