9

Aug 11, 2020 @ 16:37
By

Roque kay Leachon: MECQ extension pwede basta ikaw mamudmod ayuda!

Pagbibigyan ang hirit ni Dr. Anthony Leachon na dalawang linggong extension ng modified enhanced community quarantine basta siya ang magbigay ng ayuda sa lahat ng mga lugar na nais niyang maisailalim sa striktong lockdwon.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa rekomendasyon ni Leachon para bumaba ang kaso ng COVID -19.

Ayon kay Roque, aminado naman ang gobyerno na epektibo ang pagpapahaba ng MECQ o ECQ pero ang problema ay wala ng pera ang gobyerno para pang-ayuda sa taongbayan.

Hindi na aniya kakayanin dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi sa kanyang mensahe sa bayan na nasaid na ang kaban ng bayad dahil sa COVID pandemic

“Kung ang tao naman ay hindi makakapagtrabaho, baka mamatay dahil sa kawalan ng hanapbuhay. So, unless si Dr. Leachon ay pupuwedeng magbigay ng ayuda sa lahat ng nais niya na mapasailalim pa sa MECQ ng dalawang linggo,” ani Roque.

Batay aniya sa pahayag ng World Health Organization (WHO), magtatagal pa itong problema sa COVID sa buong mundo kaya kailangang mag-ingat para mabuhay at makapaghanapbuhay.

Binigyang-diin ni Roque na hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas ng matinding pagsubok sa COVID pandemic kaya kinakailangang magpursigi at lumaban sa bagsik ng COVID.

“Kailangang mabuhay tayo despite and inspite of COVID,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?