0
views

By

Roque kay Hilbay: Magsampa ka ng impeachment complaint kay Duterte

Sharing is caring!

Malaya umano si dating Solicitor General Florin Hilbay na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte kung inaakala niyang walang ginagawa ang gobyerno sa teritoryong pinag-aagawan sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pahayag ni Hilbay na may ipang grupong nagbabalak na magsampa ng kaso sa Korte Suprema para piliting isapubliko ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginagawang diplomatic action laban sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang itinatago ang gobyerno at hindi isinusuko ang karapatan sa mga pinag-aagawang isla, batay sa arbitral ruling pabor sa Pilipinas.

Hindi aniya alam ni Roque kung ano pa ang gusto ng mga kritiko dahil nagbibigay naman ito ng detalye sa kanyang mga briefing.

“We have said all this, we are not hiding what we have been doing to protect our sovereignty and sovereign rights in the disputed areas of the West Philippine Sea,” ani Roque.

Hindi na nagkomento pa ang kalihim sa pahayag ng dating Solgen na maituturing na betrayal of public trust ang kawalan umano ng aksiyon ni Pangulong Duterte at ng gobyerno sa pagiging agresibo ng China.

“He should file impeachment if he wants, he’s welcome; it’s a free country,” dagdag pa ni Roque. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?