186
harry-roque
Sep 24, 2018 @ 16:50
By

Roque hugas-kamay sa nangyaring landslide sa Itogon, Benguet

Nangatuwiran si Presidential Spokesman Harry Roque na hindi siya nagkulang sa pagpaalala sa mga kasamahan sa gabinete kaugnay sa peligro sa Itogon, Benguet.

Kasunod ito ng pahayag na noon pang 2016 ay binalaan na siya ng isang grupo ng geologist na may mangyayari sa Itogon at noong January 2018 ay muling inulit ang babala.

Sinabi ni Roque na naiparating niya ang impormasyon kay Environment Secretary Roy Cimatu sa peligro sa Itogon at alam din nito ang sitwasyon sa dating minahan.

“Ginawa ko po ang katungkulan ko, kasi ang hirap po as a spokesperson, hindi naman ako puwedeng manghimasok sa mga line agencies. All I can do is to relay the information to them,” ani Roque.

Dumistansiya naman si Roque sa tanong kung dapat din bang managot ang Department of Environment and Natural Resources dahil alam nila ang impormasyon pero wala umanong ginawang aksiyon.

“I will withhold judgement because although Secretary Cimatu acknowledged he received the information, I do not know what action they took,” dagdag pa ni Roque.

Aalamin ng kalihim sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) kung may ginawang aksiyon ang mga ito at kung ilang beses na pinagmulta ang mining company na naging ugat ng malagim na landslide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?