By

Roque hindi uurungan si ex-Palawan Gov. Joel Reyes

Sharing is caring!

Hindi uurungan ni Presidential Spokesman Harry Roque si dating Palawan Governor Joel Reyes sakaling magharap sila sa isang forum.

Sa harap ito ng inihaing contempt charge ni Reyes kay Roque dahil sa umano’y paggamit sa kanyang posisyon para banatan siya sa publiko.

Sinabi ni Roque na welcome sa kanya ang naging hakbang ng dating gobernador at handa niya itong sagutin.

Kapag aniya nagkita sila ni Reyes sa isang forum ay ipagwawagwagan niya sa buong mundo na isa itong convicted felon.

“I welcome that. I will meet him in any forum. And I will tell the world he is a convicted felon… convicted felon… convicted felon!,” ani Roque.

Si Roque ay naging abogado ng pamilya Ortega matapos mapatay si Dr. Gerry Ortega kung saan ang itinuturong mastermind ay si Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?