235
harry-roque
By

Roque hindi tatakbo sa Senado, wala raw pera!

Sharing is caring!

Umaatras na umano si Presidential Spokesman Harry Roque sa pagtakbo bilang senador sa 2019 elections.

Sa maiksing mensahe ni Roque, inihayag nito na wala siyang kalahating milyong piso para pondohan at gastusan ang kanyang senatorial bid.

Sa kabila ito ng declaration of support na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, magastos ang kumandidato at kailangan ang malaking pondo lalo na sa pagtakbo sa senado.

“I don’t have P500 million. I thank him for the support but awanti kwarta!,” ani Roque.

Matatandaan sa ilang talumpati ni Pangulong Duterte ay mistulang ikinampanya na nito si Roque na aniya ay magaling na abugado kaya dapat iboto sa senado.

Si Roque ay minsan na rin tumakbo sa pagka-senador pero hindi ito pinalad na manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?