101
Harry-Roque
Nov 9, 2017 @ 18:23
By

Roque hindi takot sa mga ‘ahas’ sa Malacañang

Idinaan lang sa biro ni Presidential Spokesman Harry Roque ang sagot sa mga babala na mag-ingat ito dahil ang Malacañang ay kilalang “snake pit” o lungga ng mga ahas.

Sa harap na rin ito ng iilang araw pa lamang nito sa puwesto ay binabatikos na siya ng kanyang mga kritiko at mga kilalang Duterte Diehard Supporters na nagsabing malaking pagkakamali ang paghirang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kayat dapat na sibakin ito.

Sinabi ni Roque na kung maraming “ahas” sa Malacanang na maaaring tumuklaw sa kanya, siya naman aniya ay isang boa constrictor o sawa na nanlilingkis.

“Ok lang po kung maraming ahas, ako naman po ay isang boa… boa constrictor,” ang pabirong pahayag ni Roque.

Hindi pa man nag-iinit sa kanyang puwesto ang kalihim ay binabanatan na siya ng mga DDS dahil sa pagkampi umano nito sa mainstream media at sa naging pahayag na papaliwanagan niya si Assistant Secretary Mocha Uson ng Presidential Communications Operations Office na hindi kalaban ang mga lehitimong media. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?