14

Mar 18, 2021 @ 15:50
By

Roque: Hindi ko afford mag-quarantine sa mamahaling hotel

Tinanggi ni presidential spokesperson Harry Roque na naka-quarantine siya sa isang presidential suite sa Pasay City.

Sa daily press briefing ng kalihim, sinabi nito na nasa isang quarantine facility siya sa San Juan City matapos magpositibo sa COVID-19.

“Iyong tsinitsimis po na nandoon ako sa Pasay, I do not even know if we have the means to pay for that hotel,” sambit ni Roque.

“Masyadong grabe po ‘yan, 7-star hotel po ‘yan. Ang alam ko po, 2- to 3- star hotels lang po ang kinukuha natin, including motels. Hindi naman po ako nasa motel,” aniya pa.

Naka-quarantine din umano sa quarantine facility kung saan naroon si Roque ay isang broadcaster, undersecretary ng isang departamento at isang direktor mula sa opisina ng presidential spokesperson.

Saad ni Roque, siya ay asymptomatic o walang nararamdaman na sintomas.

Kanyang kakausapin ang doktor kung pupuwedeng ituloy ang kanyang quarantine sa kanyang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?