28

Aug 14, 2020 @ 9:33
By

Roque gustong makatrabaho mga sinibak na ABS-CBN employee

Kailangan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng mga bagong production crew member, kaya tinawag niya ang pansin ng mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa shutdown.

Inalok din naman niya ang ibang media worker pero may special mention siya sa mga nasa Kapamilya network.

“Just for the information of those who need jobs, lalung-lalo na doon sa mga taga-ABS-CBN na nagsarado, we are hiring writers, cameramen and other production crew po dito sa Office of the Presidential Spokesperson,” wika ni Roque sa Palace press briefing, Huwebes.

“Ang ginagawa natin, maski dito po sa ating opisina, tinitingnan po natin kung ano iyong mga posisyon na pupuwedeng maibigay natin sa mga nawalan ng trabaho,” aniya pa.

Magbabawas ng mga kawani ang ABS-CBN sa dulo ng buwan na ito, kasunod ng pagbasura ng isang House of the Representatives panel sa franchise application ng kompanya.

Ilang beses namang tinanggi ng Malacañang na walang kinalaman sa franchise denial ang makaulit na pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Kapamilya network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?