118

Oct 30, 2017 @ 16:41

Roque, gustong maging senador – Rep. Villarin

Naniniwala si Akbayan Rep. Tom Villarin na may ambisyong maging senador si outgoing Kabayan Rep. Harry Roque kaya tinanggap ang posisyon na maging presidential spokesperson.

Ayon kay Villarin, puntirya ni Roque na sumakay sa popularidad ng Pangulo para mapaghandaan ang 2019 senatorial elections.

“An ambitious neophyte congressman eyeing a senatorial seat thus will be riding on the popularity of someone he will always be speaking about,” sabi ni Villarin.

Matatandaang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Masskara Festival sa Bacolod City na senatoriable ng PDP-LABAN si Roque.

Sarkastikong sinabi pa ni Villarin na deserve ni Roque at ng Pangulo ang bawat isa.

Ito’y dahil ang Presidente aniya ay kilalang nagsusulong ng patayan habang si Roque naman ay nagkukunwaring tagapagtanggol ng karapatang pantao.

“They both deserve each other so it’s a win-win for them. A principal who advocates mass murder and a lawyer who masquerades as a human rights defender,” ayon pa sa kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?