140

Dec 19, 2019 @ 11:17

Roque excited sa magiging hatol sa mga Ampatuan

Dumating si Atty. Harry Roque sa Camp Bagong Diwa na asam ang hustisya para sa pamilya ng mga napaslang sa madugong Maguindanao massacre.

Si Roque, na abogado ng mga biktima sa malagim na krimen, ay kumpiyansang makakamit nila ang hustisya sa 58 na nasawi, 32 dito ay mga mamamahayag sa isa sa pinakamarahas na election-related violence sa bansa.

“Kami ay excited lamang at kami ay nasasabik para sa katarungan, nagdadasal for the best pero expecting the worst,” saad ni Roque.

101 na akusado ang hahatulan ngayon ng korte para sa 2009 massacre. Si Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang magbababa ng hatol sa mga suspek na karamihan ay mula sa Ampatuan clan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?