50

Sep 10, 2021 @ 16:31
By

Roque: Emosyonal pero ‘di ako nagmura

Naging emosyonal lang pero hindi ako nagmura sa Inter-Agency Task Force meeting.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umani ng batikos ang viral video nito kung saan mistulang pinapagalitan ang dalawang doktor na dumalo sa IATF meeting.

Sinabi ni Roque na mataas ang boses nito subalit hindi siya nagmura taliwas sa nais palitawin ng mga kritiko sa kanyang viral video.

“Unang-una hindi po ako nagmura. Naging emotional po ako pero naging emotional din si Dra.Limpin. Umiyak po siya bago ako naging emotional, kasi nga nag-react ako na para bang kapag hindi ka sang-ayon sa hard lockdown eh parang gusto mo na mamatay ang mga kababayan natin,” ani Roque.

Wala aniyang gustong mamatay ang mga Pilipino kaya nag-iisip ng mga magandang paraan ang gobyerno kung paano maiwasan ang pagkamatay at magkaroon ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Humingi ng dispensa si Roque sa mga na-offend sa nangyari subalit dapat aniya sanang maging malinaw ang mensahe na hindi basta basta igiit ang hard lockdown dahil maraming Pilipino ang patuloy na magugutom at dapat na isaalang-alang din ang kanilang kapakanan habang tinutugunan ng gobyerno ang problema sa pananalasa ng COVID-19.

“Yung mga na-offend sa manner, I apologize kung na-offend kayo sa manner. But the message remains clear, kinakailangan naman po pakinggan din natin yung hanay ng nagugutom. Huwag po na parang tayo ay nasa clinic na parang walang pakialam kung anong nangyayari sa totoong buhay. Huwag naman po,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?