60

Apr 16, 2020 @ 15:05
By

Roque: ECQ, pabor sa mga kinakaliwang misis

Nanawagan si Presidential spokesperson Harry Roque sa mga misis na pangunahan na lang nila ang pinaiiral na ECQ sa kanilang tahanan.

“Pakiusap po muna sa atin ng Presidente, maging HOMELINERS po tayo lahat. Mga nanay pwede po ba kayo na ang mag-enforce nitong mga ECQ sa inyong mga tahanan,” panawagan ni Roque.

Nakakulong man aniya ang pamilya sa bahay ay may maganda itong hatid dahil guwardiyado ang mga playboy na mister,

“Mabuti po yan pag pina-enforce niyo po yan hindi makakabisita si mister sa kanyang kulasisi,” pabirong pahayag nito.

Hirit ni Roque manatili na lamang ang mga tao sa kani-kanilang tahanan upang mapaigting na ang pagkalat ng COVID-19.

“Nananawagan, nakikiusap sa lahat ng mga Pilipino, ang daming pasaway sa atin. At dahil po diyan, Number 1 na naman tayo sa ASEAN [countries] sa dami ng COVID-19. Nakakahiya po yan,” wika ni Roque.

“Itigil niyo na yang pagiging pasaway, manatili kayo sa inyong mga tahanan.”

Nag-udyok ang nasabing pakiusap dahil sa number 1 na naman ang Pilipinas sa ASEAN countries na may pinakamaraming kaso ng pandemic coronavirus.

“Kung ikukumpara niyo ang ECQ sa ibang bansa, sa Singapore, lahat sumusunod. Sa Malaysia ganyan din. Dito lang sa Pilipinas nagkaroon ng traffic sa SLEX at sa Divisoria despite ECQ. Mahiya naman po tayo,”

“Dapat tayong mga Pilipino, mahiya dahil nagpapakita tayo ng walang disiplina eh samantalang ginagawa naman po natin ito dahil nais nating maiwasang magkasakit an gating mga kababayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?