30

By

Roque, Duterte, walang hidwaan – Panelo

Sharing is caring!

Walang nakikitang ‘di pagkakaintindihan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo makaraang ipalit siya ng Pangulo sa puwesto ni Roque.

Ayon kay Panelo wala siyang napansin sa kilos ng Pangulo na masama ang loob nito kay Roque.

Katunayan aniya ay sinabi ng Presidente pagdating nito sa bansa na kakausapin nito si Roque.

“I didn’t notice any body language that will point to that. ‘Di ba sabi ng Presidente sa arrival niya, he will be talking to Secretary Roque,” ani Panelo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung bibigyan ng ibang puwesto si Roque sakaling hindi ito tutuloy sa kanyang planong kumandidato sa pagka-senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?