9

Jun 10, 2021 @ 17:37
By

Roque: Duterte hindi pa nagsabing ‘hindi’ sa pagka-VP

Hindi pa nagsasabing “hindi” sa posibleng vice presidential bid sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“The President’s words are clear. I don’t need to construe,” lahad ni Roque sa kanyang regular press briefing.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na “resisting” siya sa pagtakbong VP.

“He is saying ayaw niya pero hindi pa niya sinasabing hindi,” sabi pa ni Roque.

Dagdag ng tagapagsalita, walang problemang legal kung sasabak ang Pangulo sa vice presidential race dahil pinahihintulutan aniya ito sa Omnibus Election Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?