11

May 4, 2021 @ 19:53
By

Roque: Duterte ‘di papatigil community pantry

Nilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque nitong Martes, Mayo 4, na wala umanong plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang operasyon ng mga community pantry.

Sa pahayag ni Roque, sinabi nito na nagaalala lang ang pangulo sa napapabalitang pagkalat ng COVID-19 sa mga community pantry.

“Hindi naman po sinasabi ni Presidente na itigil ang community pantry, ang worry lang po niya, eh iyong mga nababalita na nga po na nagiging super-spreaders po itong mga community pantries,” ani Roque.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo noong Lunes ng gabi kung saan nagpasaring ito sa mga nag-oorganisa ng mga community pantry.

“People were swarming. So we are again forced to enforce a quarantine to limit people from going around and passing the COVID virus to a lot of people…I want to stress the point that there could have been a better way of doing things. There has to be some sense in what you’re doing,” pahayag ni Duterte noong Lunes.

Kaugnay nito, may panawagan si Roque sa mga nag-oorganisa ng mga community pantry.

“Ang pakiusap lang po natin eh makipag-ugnayan po a lokal na pamahalaan at siguraduhin na may social distancing at tumutupad sa iba pang mga minimum health standards ang mga community pantries.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?