52

Sep 13, 2021 @ 19:12
By

Roque: Diokno, mga human rights lawyer ignorante

Tinawag na ignorante ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga kritiko nito at grupong hindi bilib sa kanya para maging miyembro ng International Law Commission (ILC).

Kasunod ito ng naging pahayag ni Atty. Chel Diokno at ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na kulang umano sa integridad at karakter si Roque dahil sa pangmamaliit nito sa International Criminal Court o ICC.

Sinabi ni Roque na hiwalay ang ILC at ICC at maraming bansang miyembro ng ILC ay hindi kabilang sa ICC.

“Obviously gross ignorance of what the ILC is all about. Hiwalay po ang ILC at ICC, wala pong kinalaman ang ILC sa ICC at I will repeat, hindi po mayorya ng bansa sa daigdig ay miyembro ng ICC,” ani Roque.

Sinabi naman ng FLAG na hindi umano taglay ni Roque ang kuwalipikasyon para makakuha ng puwesto sa ILC.

Sinabi ni Roque na ni-nominate siya para isa sa mga kandidato ng ILC kung saan pipili ng 34 ang United Nations para maupo sa puwesto sa ILC.

Si Roque ay kasalukuyang nasa New York, USA at iginiit na isa sa kuwalipikasyon kung bakit kasama siya sa mga nominado ay ang kanyang 15 taong karanasan sa pagtuturo ng International Law sa University of the Philippines at pagiging presidente ng Asian Society of International Law, isang asosasyon ng lahat ng dalubhasa sa Asya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?