39

Sep 13, 2021 @ 15:14
By

Roque dedma sa mga kritikong tutol sa kanyang nominasyon sa ILC

Hindi pinansin ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga kritiko na kumukontra sa kanyang nominasyon sa Internatinal Law Commission o ILC.

Si Roque ay kasalukuyang nasa New York sa Amerika para dumalo sa gagawing pagpili ng 34 na magiging miyembro ng ILC kung saan isa siya sa mga niminado sa kanyang kapasidad bilang bihasa sa International Law.

Sinabi ni Roque na hindi siya apektado sa batikos ng oposisyon dahil ang mga pipili aniya ay mga bansang miyembro ng United Nations.

Ikinakabit ng mga kritiko sa nominasyon ni Roque ang  posisyon nito laban  sa International Crminal Court na hindi umano angkop para sa kanyang nominasyon.

“Desisyon naman yan ng mga estado. Kung pakikinggan sila ng mga estado eh di wala tayong magagawa. Pero kung ang kanilang dahilan ay dahil sa International Criminal Court, hindi lahat lahat ng bansa ay miyembro ng ICC. Karamihan ng boboto ay hindi miyembro ng ICC,” ani Roque.

Sinagot naman ng kalihim ang batikos ng mga kritiko na hindi nito nirerespeto  ang rule of law at karapatang  pantao bilang tagapagsalita ng Malacañang.

Sinabi ni Roque na  walang batayan ang banat ng kanyang mga kritiko dahil kung may mali itong ginagawa ay sana kinasuhan na siya sa korte.

Binigyang-diin ni Roque na tamang mga impormasyon ang ibinibigay nito sa publiko para alam ng mga ito ang mga tunay na nangyayari sa bansa laban sa mga gawa-gawang isyu ng mga kalaban ng gobyerno.

“That’s absolutely bereft of legal merit. Kasi kung meron nyon, dapat may kaso na ako. In fact, I am according the people their right to information by relaying correct and accurate information. Yan  ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang trabahong ito. At naniniwala ako na karamihan sa mamamayan ay nakikita naman na ginagawa natin ang ating trabaho,” dagdag ni Roque. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?