429

Dec 11, 2017 @ 13:23
By

Roque: De Lima, Gascon mga ipokrito!

Binuweltahan ng Malacañang ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima at Comission on Human Rights (CHR) Chairman Chino Gascon sa pagbabago ng tono sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs).

Tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque sina De Lima at Gascon na mga ipokrito dahil sa pag-iingay sa mga napapatay na drug pushers at drug ushers.

Ayon kay Roque, ang dalawa ay kapwa pumirma sa Administrative Order (AO) No. 35 o Inter-agency on Extra Judicial Killings na ipinalabas noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at hindi kasama sa AO ang mga drug pushers, drug users at iba pang ordinaryong kriminal bilang posibleng biktima ng EJK.

Si De Lima ay pumirma noon sa kanyang kapasidad bilang Secretary of Justice at Undersecretary for Political Affairs of the Office of the Presidential Adviser on Political Affairs.

“In the said order, the two, among other signatories of the AO, defined extra-legal killings (ELKs) or extra-judicial killings (EJKs) as killings wherein the victim was a member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of these causes; or a media practitioner; or person(s) apparently mistaken or identified to be so. The victim was targeted and killed because of the actual or perceived membership, advocacy, or profession. The person/s responsible for the killing is a state agent or non-state agent; and the method and circumstances of attack reveal a deliberate intent to kill,” ang pahayag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na nakapagtatakang nagbago ng timpla sina De Lima at Gascon sa mga napatay na drug personalities dahil malinaw na nakasaad sa AO kung sino-sino ang dapat na maituturing na biktima ng EJK.

Napapanahon, ayon kay Roque, na ilantad ang tunay na kulay nina De Lima at Gascon para malaman ng sambayanan kung anong klaseng tao ang mga ito.

“It is high time that the hypocrisies of Senator De Lima and Chairman Gascon are exposed in favor of the truth. The Filipino people deserve no less,” ang pahayag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?