59

Jan 21, 2021 @ 18:45
By

Roque: Dagdag-sahod malabo sa pandemya

Malabong mapagbigyan ang hirit na dagdag-sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor dahil sa nararanasang pandemya sa bansa at sa buong mundo.

Kasunod na rin ito ng panawagan ng mga grupo ng mga manggagawa na umento sa sahod dahil hindi na kasya ang kakarampot na kita sa isang araw dahil sa mataas na presyo ng karne ng baboy at manok sa nga pamilihan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa kamay ng Regional Wage Board (RWB) ang pagpapasya para sa umento sa sahod kung pagbibigyan o hindi ang kahilingan ng mga arawang manggagawa.

Kailangan aniyang balansehin ang magiging aksiyon dito ng RWB dahil marami ang mga kompanyang naapektuhan dahil sa COVID pandemic.

Sinabi ni Roque na may mga negosyong nagsara dahil nahirapang makabawi matapos matigil ng ilang buwan ang kanilang operasyon.

“Kinakailangan balansehin natin iyan sa katotohanan na because nga of pandemic eh napakadami ring mga negosyo ang nahirapan kung hindi ay tuluyang nagsara,” ani Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?