By

Roque, blangko sa pakikipagpulong ni Duterte sa INC

Sharing is caring!

Blangko si Presidential Spokesperson Harry Roque kung nagkaroon ba ng pagpupulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Roque, ang alam lang niyang official schedule ng Pangulo noong Miyerkules ay ang send-off ceremony para sa mga mangingisdang Vietnamese sa Sual, Pangasinan.

Bukod pa rito ang isang private meeting bago nagtungo sa Pangasinan ang Presidente .

Gayunman, sinabi ni Roque na wala siyang ideya at walang impormasyon kung sino ang kausap ng Presidente sa nasabing private meeting.

“I cannot confirm that he met with the Iglesia ni Cristo officials because I do not have information on what private meeting he had before he went to Sual, Pangasinan,” ang pahayag ni Roque.

Dagdag pa ng kalihim, hindi sila magkasabay ng Chief Executive na nagpunta sa Pangasinan dahil mas nauna siyang bumiyahe kaya wala itong ideya sa sinasabing pulong sa INC. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?