28

Feb 20, 2021 @ 18:40
By

Roque binenta uli sarili na bold star

Tila seryosohan na ang pag-aalok ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang sarili na maging bold star.

Trending ngayong Sabado ang tagapagsalita matapos niyang mag-guest sa “Eat Bulaga”.

Mabenta kasi ang pagsasabi niyang “virgin” pa siya, pero nilinaw kalaunan na “virgin” daw dahil first-time niyang makapunta sa “Bulaga”.

Patok din sa mga netizen ang pagkakaulit niya kay Bossing Vic Sotto sa biro niya noon kay TV host Willie Revillame na puwede rin siyang maging bomba star.

“Boss Vic marami pa akong puwedeng gawin, puwede akong maging bold star din, gustong-gusto ko nga,” na kinahalakhak ng mga host na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?