100

Oct 29, 2017 @ 15:25

Roque bilang Presidential Spokesman, ‘good choice’

Sa harap nang inaabot na kantiyaw mula sa ilang kongresista, nakahanap ng kakampi si incoming Presidential Spokesman Harry Roque kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Ayon kay Herrera-Dy, ‘good choice’ si Roque para maging tagapagsalita ng pangulo at miyembro ng gabinete

“His wealth of experience on human rights law, international law, and constitutional law will serve him well in his new post,” sabi ng kongresista.

Malapit rin aniya si Roque sa media, nauunawaan ang trabaho ng mga mamamahayag at alam ang kailangang mga impormasyon sa pagbabalita kaya naman kuwalipikado itong sumagot sa mga tanong ng press at magbigay-linaw sa mga isyu.

Walang duda si Herrera-Dy na magagamit nang husto sa Malakanyang ang husay ni Roque lalo na bilang communications official.

Una rito, pinasaringan nina Albay Rep. Edcel Lagman at Ifugao Rep. Teddy Baguilat si Roque na lumabas ang tunay na kulay nang tanggapin ang appointment bilang Presidential Spokesman.

Magsisimulang magtrabaho si Roque sa Malakanyang sa November 6. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?