45

Sep 10, 2021 @ 15:38
By

Roque arrogante, magbitiw na lang – de Lima

Para kay Senadora Leila de Lima, mas mabuti pang magbitiw na lamang si Presidential Spokesman Harry Roque kung wala na itong magandang gagawin sa kanyang pwesto.

Ito ang reaksyon ni de Lima kaugnay ng kumalat na video ng IATF meeting kung saan tinalakan ni Roque ang Philippine College of Physicians sa kanilang panawagan na huwag luwagan ang quarantine level sa NCR.

Humingi na ng tawad si Roque dahil nadala lamang siya ng kanyang emosyon, ngunit ‘di na ito lulusot kung si de Lima ang tatanungin.

“In the time of COVID, it is not wise to berate doctors and health care workers who are risking their lives to save our loved ones from the virus 24/7,” pahayag ni de Lima sa kanyang tweet ngayong Biyernes.

“Harry Roque should step down if he cannot be as useful, but is arrogant enough to think he is above them,” dugtong pa nito.

Bukod kay de Lima, sinuka rin ng netizens si Roque at nagtrending pa nga ito sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?